MANILA, Philippines - Walang probable cause o sapat na batayan upang idiin sa kasong may kinalaman sa naganap na panaÂnambang kay National Bureau. of Investigation (NBI) deputy director Reynaldo Esmeralda noong Pebrero 21, 2012 si dating NBI director Magtanggol Gatdula.
Ito ang naging dahilan upang iabswelto ng panel of prosecutors ng Department of Justice si dating NBI director Magtanggol Gatdula.
Matatandaang sugatan sa insidente si Esmeralda nang tambangan ang kanyang convoy habang tumatahak sa Lucban Bridge sa Apacible Street, Paco, Maynila.
Sa resolusyon na may petsang Enero 15, 2014, bukod kay Gatdula, inabswelto rin ng DOJ panel of prosecutors si Gino Eustaquio.
Samantala, pinakakasuhan naman ng 2 counts ng kasong attempted murder sina Tyrone Ong, Perfecto Villanueva alyas “chief†at “ sarge pektoâ€, Ronnie Ong alyas “Eboyâ€â€™ , Ramoso Ramos, Alfredo Compoc alyas “Jacklinerâ€, Ricky Dacillo, Gerry Farillom, Jose Maglalang Jr alyas “Jun Demonyoâ€, Jun Monticlaros at Alvin Monticlaros
Ayon sa DOJ, nagkaroon umano ng sabwatan sa pagitan ng mga nasabing respondent para tambangan si Esmeralda.
Batay pa sa resolusyon, si Tyrone Ong umano ang nag-utos para humanap ng hitman at gumastos para ipapatay si Esmeralda.