^

Bansa

Gatdula absuwelto sa Esmeralda ambush

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Walang probable cause o sapat na batayan upang idiin sa kasong may kinalaman sa naganap na pana­nambang kay National Bureau. of Investigation (NBI) deputy director Reynaldo Esmeralda noong Pebrero 21, 2012 si dating NBI director Magtanggol Gatdula.

Ito ang naging dahilan upang iabswelto  ng  panel of prosecutors  ng Department of Justice si dating NBI director Magtanggol Gatdula.

Matatandaang sugatan sa insidente si Esmeralda nang tambangan ang kanyang convoy habang tumatahak  sa Lucban Bridge sa Apacible Street, Paco, Maynila.

Sa resolusyon na may petsang Enero  15, 2014, bukod kay  Gatdula, inabswelto rin ng  DOJ panel of prosecutors   si Gino Eustaquio.

Samantala, pinakakasuhan naman ng 2 counts ng kasong  attempted murder sina  Tyrone Ong, Perfecto Villanueva alyas “chief” at “ sarge pekto”, Ronnie Ong alyas “Eboy”’ , Ramoso Ramos, Alfredo Compoc alyas “Jackliner”, Ricky Dacillo, Gerry Farillom, Jose Maglalang Jr alyas  â€œJun Demonyo”, Jun Monticlaros at Alvin Monticlaros

Ayon sa DOJ, nagkaroon umano  ng sabwatan sa pagitan ng mga nasabing respondent  para tambangan si Esmeralda.

Batay pa sa resolusyon, si Tyrone Ong umano ang nag-utos para humanap ng hitman at gumastos para ipapatay si Esmeralda.

ALFREDO COMPOC

ALVIN MONTICLAROS

APACIBLE STREET

DEPARTMENT OF JUSTICE

GERRY FARILLOM

GINO EUSTAQUIO

JOSE MAGLALANG JR

MAGTANGGOL GATDULA

TYRONE ONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with