MANILA, Philippines - Maaari nang makulong at pagmultahin ang sinumang magbebenta o bibili ng term papers, thesis at iba pang katulad na reports ng mga eskwelahan.
Ito ay sa sandaling maisabatas ang House bill 3793 oâ€Academic Honesty Act of 2013†na inihain ni Agri partylist Rep. Delhine Gan Lee.
Ayon kay Lee, dapat ng ipagbawal ang ganitong nakagawian ng iilan dahil isang importanteng pundasyon umano sa edukasyon ay pagsisipag, pagsusumikap at pagiging totoo.
Kaya importante umano na ang nakuhang academic achievement ng isang estudyante at mula sa kanyang sariling pagsusumikap o paghihirap ay hindi binayaran o binili mula sa iba.
Bukod dito ang academic credentials ay kinakailangan din para makapasok sa trabaho, promosyon o pagtataas sa sahod o pagpasok sa isang prestihiyosong institusyon.
Sa ilalim din ng panukala, ipagbabawal sa sinuman na magbenta o bumili ng anumang materyales tulad ng dissertion, thesis, term papers, essays, reports at iba pang report assignment sa eskuwelahan
Ang sinumang lalabag ay may katapat na parusang naaresto menor o 1-30 araw na pagkakakulong o multang P10,000.