^

Bansa

De Lima sa Vhong case: Walang special treatment

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Pinabulaanan ni Justice Secretary Leila de Lima ang pahayag ng kampo ng modelong si Deniece Cornejo na may kinikilingan ang National Bureau of Investigation (NBI) sa paghawak sa kaso ng pambubugbog kay TV host Vhong Navarro.

"No special treatment. Ginawa lang naman ng NBI, just one of those cases na inimbistegahan nila. Nagkaroon ng mabilis na resulta," pahayag ni De Lima sa isang panayam sa telebisyon kagabi.

Pero aminado ang kalihim na naiiba ang kaso nina Navarro at Cornejo.

Kaugnay na balita: Lee, Cornejo kinasuhan ng NBI sa 'pambababoy' kay Vhong

 "Yung sinasabing special treatment, hindi po namin kasalanan 'yon na yung kasong ito has elicited so much attention, maybe because of the personalities involved, maybe dahil si Vhong may mga fans siguro or what," dagdag niya.

Kinasuhan ng National Bureau of Investigation sina Cornejo, negosyanteng si Cedric Lee at iba pa nilang kasamahan ng kidnapping, serious illegal, serious physical injuries, grave threats, grave coercion, unlawful arrest, threatening to prevent publication in exchange for compensation.

Kaugnay na balita: Deniece Cornejo dehado sa ipinaglalaban

Naniniwala rin si De Lima na walang binago o pinalitan sa kuha ng closed-circuit television camera ng Forbeswood Heights Condominium sa Bonifacio Global City Taguig.

"So kung sino mang may plano para mag-tamper noon, gawan ng paraan, i-delete or what, ay hindi ho nakagawan ng paraan kasi nakuha kaagad [ng NBI]," banggit niya.

Kaugnay na balita: Vhong ang daming kinatatakutan

Nitong Linggo ay pinuna ng abogado ni Cornejo na si Howard Calleja ang naging pagtrato ng mga awtoridad kay Vhong, partikular ang paglabas ng artista sa St. Luke’s Hospital noong nakaraang linggo.

“Obviously kitang-kita nama natin, from St. Luke's to DOJ, kung gaano karami ang escort niya at kapulisan na sana tumutulong sa ibang krimen at ibang isyung pambayan, e napunta sa kanya ang seguridad,” pahayag ni Calleja sa “Startalk” ng GMA7. “It would appear na meron konting pinapaboran o may konting special treatment dito.”

BONIFACIO GLOBAL CITY TAGUIG

CORNEJO

DE LIMA

DENIECE CORNEJO

KAUGNAY

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

ST. LUKE

VHONG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with