^

Bansa

Pinas lalong nalagay sa alanganin dahil sa ‘Hitler’

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Lalo lamang umanong nalalagay sa panganib ang diplomatic solution sa mga pinag-aagawang teritoryo sa bansa dahil sa pahayag ni Pangulong Noynoy Aquino na katulad ni Nazi German leader Adolf Hitler ang China.

Ayon kay ACT Rep. Antonio Tinio, pinalala lamang umano ng Pangulo ang iringan ng Pilipinas at China na posibleng humantong sa mas malaking problema sa territorial dispute.

Paliwanag ng kongresista, dapat naman talagang ikondena ang ginagawa ng China subalit ang ikumpara ito sa diktador na lider ng Germany ay lalo lamang dadagdag sa problema ng bansa. Dahil dito kayat nangangamba si Tinio na posibleng hindi na bukas ang China sa pakikipag-usap para sa diplomatic solution sa West Philippine Sea at dahil sa rhetoric comparison ng Pangulo ay mabawasan pa ang suporta mula sa international community.

Para naman kay Ako Bicol partylist Rep. Rodel Batocabe at OFW Family Roy Señeres, panahon na para ipakita sa China na hindi takot ang Pilipinas sa kanya at ang pahayag ng Pangulo ay magandang panimula para matuldukan na rin ang patuloy na pambu-bully ng China sa mga Pilipino.

Giit pa nina Batocabe at Señeres, na pagpapakita lamang ng tapang ang ginawang pahayag ng Pangulo subalit hindi ito dapat pagkamalan na paghahamon ng digmaan dahil isa itong “statement of truth” kaya dapat itong suportahan.

ADOLF HITLER

AKO BICOL

ANTONIO TINIO

FAMILY ROY SE

NAZI GERMAN

PANGULO

PANGULONG NOYNOY AQUINO

PILIPINAS

RODEL BATOCABE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with