Ex-COS ni JPE dapat lumantad na rin
MANILA, Philippines - Hinikayat ni Dasmariñas Rep. Elpidio Barzaga ang dating chief of staff ni dating Senate President Juan Ponce Enrile na si Gigi Reyes na bumalik na rin sa bansa at ihayag ang nalalaman nito sa pork barrel scam.
Ang panawagan ni Barzaga ay kasunod na rin ng pagbabalik sa bansa ni Ruby Tuason na umano’y tetestigo na rin sa kaso kaugnay sa naturang scam.
Giit ng kongresista, ito na rin ang tamang panahon para lumantad si Reyes at sabihin ang nalalaman nito sa umano’y maanomalyang paggamit ng pork barrel ni Enrile.
Katulad din umano ni Tuason ay may pag-asa din na mabigyan ng proteksyon ng estado si Reyes at maipaÂsailalim sa Witness Protection Program (WPP).
Kinatigan naman ni Barzaga ang pagpapasailalim ng Department of Justice (DOJ) sa WPP kay Tuason dahil hindi malayong magkaroon ito ng banta sa kanyang buhay.
Umaasa naman ang kongresista na ilalabas talaga ni Tuason ang lahat ng kanyang nalalaman dito at walang poprotektahan sa mga sangkot sa pork barrel scam.
- Latest