^

Bansa

Lumang bus, truck sa kalye hulihin!

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nanawagan si Iloilo Congressman Jerry Trenas sa Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) na hulihin na ang mga luma at depektibong mga pampasaherong bus at truck na dapat ibenta na lang sa magbabakal.

“Hindi na dapat i-renew ng LTFRB ang rehis­trasyon ng mga bus at trak na napakaluma na, mapanganib at hindi na karapatdapat bumiyahe sa mga lansangan. Karaniwan nang makakakita rito ng mga bus at truck na smoke-belchers na indikasyon ng depektibong makina, sirang gulong, at halos magkabaklas-baklas na ang mga bahagi.  Napa­kalaki ng mga sasakyang ito at lubhang mapanganib kapag ipinamaneho sa mga kaskaserong driver,” babala ni Trenas.

Tungkulin anya ng LTFRB na ipatupad ang mahigpit na mga rekisitos sa mga operator ng bus at truck para matiyak ang kaligtasan ng publiko.

Bukod sa mga kaskaserong pagmamaneho, kabilang sa pangunahing sanhi ng mga aksidente ang hindi namamantining mga sasakyan.

Idinagdag niya na dapat nang itigil ng LTFRB ang pagrerehistro ng mga re-conditioned bus na gawa sa mga surplus parts at hikayatin ang paggamit ng hybrid at electric buses, coasters at vans sa pamamagitan ng tax credits at iba pang financial perks.

Dahil anya sa sobrang ganid sa tubo, mara­ming bus at cargo trucking operator ang hindi nagsasagawa ng regular na pagmamantina ng kanilang mga sasakyan.

Kasabay nito, pinuri ni Trenas ang hakbang ng LTFRB na ipatupad na ang panukalang atasan ang mga bus at truck operator na magpakabit ng speed limiter sa kanilang mga sasakyan.

BUKOD

BUS

DAHIL

IDINAGDAG

ILOILO CONGRESSMAN JERRY TRENAS

KARANIWAN

LAND TRANSPORTATION AND FRANCHISING REGULATORY BOARD

TRENAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with