Kargador ng NAIA binigyang parangal sa pagsauli ng P200K
MANILA, Philippines - Parangal ang nakuha ng isang kargado ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) dahil sa pagsasauli ng isang sobre na may lamang $4,800 sa parking lot ng paliparan noong nakalipas na linggo.
Pinangunahan ni Manila International Airport Authority general Jose Angel Honrado ang pagbibigay ng plake kay Jony Villon sa flag-raising ceremony sa paliparan nitong Lunes.
Napulot ni Villon ang $4,800 (may katumbas na mahigit P216,000) sa parking lot ng paliparan.
Sa halip na ibulsa, ibinigay ni Villon ang pera sa intelligence and investigation division ng NAIA. Ang naturang pera ay pagmamay-ari ng isang overseas Filipino worker.
Bukod kay villon, binigyan din ng parangal ng pamunuan ng NAIA sina Ronald Villanueva, Antonio Alvarez Jr., Daniel Caliuag, Moses Jimenez, Rosemarie de Vera, Shiela Bastasa, Rosalina Obedencio, Edmund Esplana, Christine Tanseco, Desiderio Belgrado, Annalisa Allones, Hephziba Manza, Lourdes Aldolfo, at Jay-ar Obrero dahil din sa pagsasauli ng pera at mga gamit na naiwan ng mga pasahero sa paliparan.
Nabigyan din ng parangal sina airport police corporals Roderick Mejia, Danilo Inalves at Alex Benuyo na nakaaresto sa isang taxi driver na nagnakaw ng mga bagahe.
- Latest