MANILA, Philippines - Bunga ng paglakas ng bagyong Basyang, itinaas ng Pagasa sa storm signal number 2 ang 13 lugar sa Visayas at Mindanao.
Ito ay sa Cebu, Bohol, Leyte, Southern Leyte, Eastern Samar, Samar, Camotes Island, Camiguin, Dinagat Province, Surigao del Norte kasama ang Siargao Island, hilagang bahagi ng Surigao del Sur at hilagang bahagi ng Agusan del Norte
Signal number 1 naman sa Masbate, Cuyo Island, Northern Samar, Biliran Island, Aklan, Capiz, Antique, Iloilo, Guimaras, Negros Occidental, NegÂros Oriental, Siquijor, Misamis Oriental, Misamis Occidental, nalalabing bahagi ng Agusan del Norte, nalalabing bahagi ng Surigao del Sur, Agusan del Sur, hilagang bahagi ng Bukidnon at Zamboanga del Norte.
Alas-11 ng umaga kahapon, si Basyang ay namataan sa layong 500 kilometro ng silangan hilagang silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur taglay ang lakas ng hangin na umaabot sa 65 kilometro bawat oras malapit sa gitna at may pagbugso ng hangin na umaabot sa 80 kilometro bawat oras.
Bukod sa malakas na pag-ulan, inaalerto ng Pagasa ang mga residente sa mga lugar sa ilalim ng storm signal no. 2 dahil sa inaasahang storm surges, landslide at flashfloods.
Si Basyang ay inaasahang magla-landfall sa Southern Leyte - northern tip ng Surigao del Norte ngayong Sabado ng madaling araw.
Hindi naman inaasaÂhang magiging malakas pa ang bagyo dahil malapit na ito sa kalupaan. Hindi rin nito babagtasin ang Luzon dahil sa epektÂo ng hanging amihan.