Carless day sa EDSA tuwing weekend giit
MANILA, Philippines - Ipinanukala ng Department of Transportation and Communications (DOTC) ang pagkakaroon ng carless day sa EDSA tuwing weekend bilang solusyon sa inaasahang lalong pagsisikip ng daloy ng trapiko sa pangunahing kalsada bunsod na rin ng mga isinasagawa at mga nakatakda pang isagawang road repairs sa ilang bahagi nito.
Aminado naman si DOTC Undersecretary Dante Lantin na maaaring hindi suportahan at isipin pa ng iba na “wild’ o marahas at mapusok ang kanyang panukala ngunit iginiit nito na malaking tulong ito dahil bukod sa bawas sa pagsisikip ng daloy ng trapiko ay makakatipid rin ng gasolina at makakatulong pa aniya sa pag-improve ng kapaligiran.
Inaasahan na ng DOTC na lalo pang sisikip ang vehicular traffic sa EDSA dahil na rin sa mga road construction at repairs na isinasagawa at nakatakdang isagawa doon tulad na lamang ng Skyway Stage 3 project na magkokonekta sa SLEX at NLEX; ang NAIA elevated expressway project; at ang structural retrofitting ng Magallanes interchange.
Hindi naman na bago ang carless day dahil una na rin itong ipinatupad sa mga kampo ng Philippine Army at sa Pasig City habang ang Marikina naman ay mayroong sariling bike lanes.
- Latest