MANILA, Philippines - Ipagbabawal na ang hindi pagbibigay ng eksaktong barya sa mga consumers.
Ito ay sa sandaling maisabatas ang House Bill 3606 o Exact Change bill ni Las Piñas Rep. Mark Villar na nagtatakda din ng parusang kakaharapin ng mga taong magbibigay ng kulang na sukli.
Nakasaad sa panukala na pagmumultahin ng 500 hanggang 25,000 piso ang sinuman na magbibigay ng kulang na sukli at masususpinde o matatanggalan pa ito ng business permit.
Ang mga establisyimento naman ay dapat na magpaskil ng karatula sa kanilang counter na nagsasabing “demand your exact change†o hingin ang iyong eksaktong sukli.
Iginiit ni Villar na ang kanyang panukala ay pagbibigay ng proteksyon sa karapatan ng mga mamimili at upang matapos na rin ang mapang-abusong sistema ng ilang establisimiyento.