‘DAP itinigil na!’- SolGen
MANILA, Philippines - Itinigil na ang paggamit sa kontrobersyal na Disbursement Acceleration Program (DAP) dahil hindi na rin naman kailangan ito ng gobyerno.
Sinabi ito ni Solicitor General Francis Jardeleza, bago ang pagsisimula ng oral argument kahapon sa Korte Suprema.
Ipinaliwanag ni Jardeleza na hindi na kailangan pa ng gobyerno ang DAP dahil naabot na nila ang layunin para sa ekonomiya ng paggamit ng 149 bilyong pisong halaga ng DAP sa mga nakalipas na taon.
Noong pang kalagitnaan ng taong 2013 nang itigil nila ang paggamit ng DAP, ani Jardeleza na sinegundahan naman ni Budget Secretary Florencio Abad.
Sa kanyang pagharap sa mga mahistrado sa pagsisimula ng oral argument, sinabi ni Abad na inirekomenda na nila kay Pangulong Benigno S. Aquino III ang pag-abandona sa DAP.
Ito ay dahil napagsilbihan na ng DAP ang layunin nito sa ekonomiya.
- Latest