Army lalakas sa pagdating ng makabagong armas
MANILA, Philippines - Mas lalong pinalakas ng Philippine Army ang kanilang kahandaan para labanan o ipagtanggol ang ating bansa laban sa mga tao na nagbabantang maghasik ng karahasan, matapos ang planong pagkuha ng mga makaÂbagong gamit o armas pandigma.
Ito ang nabatid makaÂraang lagdaan ng Department of National Defense (DND) kamakailan ang P888 milyon contract sa Elbit Systems Land at C41 kung saan 28 brand new armored fighting vechicles ang idedeliber sa PA sa susunod na taon.
Labing-apat sa nasaÂbing units ay armado ng 76mm auto-cannons habang anim sa Israeli-built armored vehichels ay itinuÂring na “armored personnel carrier†mo-dels, apat bilang “infantry fighting vehicles at ang natitirang apat ay bilang “recovery at repair†units.
Sa sandaling nagseserbisyo na ang mga ito, ang 14 na unit ng armored vehicles na armado ng 76mm cannon ay aakto bilang mobile artillery units ng PA kung saan sa ngayon ay armadong 273 units ng matataas na baril.
Ang pagkakaroon ng weapon platforms ay nakatitiyak ang kapasidad ng Army na rumesponde ng mabilis at makapagdisisyon sa anumang pagbabanta.
“If acquired, these (pie-ces of) equipment will be distributed and deployed in strategic areas nationwide areas for faster, better and improved disaster relief strategy,†ayon kay PA spokesperson Capt. Anthony Bacus.
- Latest