MANILA, Philippines - “The only ‘bonus’ we got was the joy of reaching out and helping the poor Filipinos,†pahayag ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) chair Margie Juico, bilang sagot sa umano’y P54.8 million bonuses ng ahensiya at allowances para sa taong 2012 na kamakaila’y naiulat ng media.
Inatasan ng Commission on Audit (COA) ang maraming ahensiya ng gobyerno na maibalik ang bonuses na naibigay nila sa kanilang mga board members at empleyado. Ani Juico, ang PCSO ay hindi nagkaloob ng anumang bonuses sa loob ng nakalipas na dalawang taon.
Nilinaw ni Juico na kalahati sa kinukuwestyong halaga ay ginamit para sa Cost of Living Allowance (COLA) ng mga opisyales at rank-and-file employees at ang natitira’y napunta sa lingguhang draw allowances (WDA) para sa ilang extra duties ng mga officers at empleyado.
Ang garantiya ng COLA at WDA ay may post facto approval at may patuloy na awtoridad mula sa Office of the President, na nakasaad sa liham nito noong Mayo 19, 2011. Ang ‘presidential post facto approval’ ay bahagi ng President’s powers sa ilalim ng 1987 Constitution and Joint Resolution No. 4.s 2009, na nag-aawtorisa sa Pangulo na malimitahan ang kompensasyon at position classification ng civilian personnel.
Kinikilala ng Kataas-taasang Hukuman (Supreme Court) ang kapangyarihan ng Pangulo na mag-isyu ng post facto approval sa SRA vs. COA, GR No. 134740 dated 23 Oct. 2001. Bilang isang revenue-generating government corporation, ang PCSO ay laging nakakatanggap nang ganung post facto approvals sa ilang dekada.
Buhat noong 2010, ang COLA at WDA ay hindi nagtaas, matapos ang Executive Order No. 7, s. 2010 ay nagpalabas ng moratorium sa pagtataas sa suÂweldo, allowances, at benefits. Mahigpit na sinusunod ng PCSO ang patakaran na ipinalabas ng COA sa Notices of Disallowances (ND). Ang COA rules and regulations ay pumapayag para sa apela sa loob ng anim na buwan sa resibo ng ND sa COA Director, matapos ang naturang usapin ay mapunta sa Adjudication and Settlement Board, sa Commission Proper, at mula dito sa Supreme Court by certiorari.
Lahat ng bonuses, allowances, at iba pang uri ng kompensasyon na ipinagkaloob sa PCSO directors, officers, at empleyado ay pawang nasa wastong sisÂtema at mayroong legal at administratibong batayan, alinsunod sa tamang alituntunin.
“Any such payments found after due process to be unlawful or not in accordance with existing rules and regulations will be returned in full. We will continue to work closely with COA and the Governance Commission for GOCCs to further enhance the quality of PCSO’s financial transactions,†pahayag pa ni Juico, na sa ilalim ng kanyang pamamahala ay lumago at naabot ang pinakamalaking kita nito.