MANILA, Philippines - Iginiit ng isang kongresista na ibalik sa Makati City Jail ang tinaguriang pork barrel queen na si Janet Lim Napoles.
Ayon kay Dasmariñas Rep. Elpi-dio Barzaga, hindi tamang manatili si Napoles sa Fort Sto. Domingo sa Sta. Rosa, Laguna habang libo-libong mahihirap na preso ang nagsisiksikan sa masikip at walang bentilasyon na mga bilangguan sa bansa.
“While thousands of poor Filipinos are languishing in crowded, dilapidated buildings with unsanitary conditions, the ‘pork barrel queen’ who allegedly amassed hundreds of millions of public funds is staying in a well-ventilated room with sala,†sabi ni Barzaga.
Bukod dito dapat kumilos na ang prosecutors ng gobyerno na may hawak ng kaso laban kay Napoles at hingin na sa Makati Regional Trial Court (RTC) branch 150 na ilipat ito sa Makati City Jail.
Kung hindi umano ito gagawin ng gobyerno ay kakailanganin din itulad sa pagtrato kay Napoles ang pagtrato naman sa ibang kinasuhan sa pork barrel scam kasama na ang mga Senador, sakaling ipag-utos na ng korte ang pag-aresto sa mga ito.
Kung mananatili umano si Napoles sa Fort Sto. Domingo ay dapat ganito ring pasilidad ang pagkukulungan sa iba pang akusado sa plunder dahil sa pork barrel scam.