^

Bansa

Hangga’t may tiwali sa DA, NFA, Customs Rice smuggling magpapatuloy

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Naniniwala si Senator Ralph Recto na patuloy na namamayagpag ang rice smuggling sa bansa dahil may partisipasyon dito ang ilang ahensiya ng gobyerno.

Tahasang sinabi ni Recto na wala sanang smuggling kung hindi nakikisawsaw dito ang ilang tiwaling opisyal ng Department of Agriculture, National Food Authority at Bureau of Customs.

“There can be no smuggling without the participation of DA, NFA and Customs officials,” sabi ni Recto.

Sa Senate hearing ng Committee on Agriculture noong Miyerkules sa rice smuggling, humarap si Davidson Bangayan a.k.a. David Tan na diumano’y nagagawang kontrolin ang importasyon ng bigas sa pamamagitan ng pag-finance sa mga kooperatiba ng mga magsasaka para makakakuha ng import permits mula sa NFA.

Ayon kay Recto, masasawata lamang ang rice smuggling kung seseryosohin ng gobyerno ang kampanya laban dito.

Sinabi naman ni Sen. Cynthia Villar, chairman ng komite, na ang smuggling ang isa sa mga dahilan kung bakit mara-ming mga magsasaka ang patuloy na naghihirap.

Ang ilegal na pagpasok umano ng mga imported na bigas sa bansa na hindi kontrolado ng gobyerno ang naglalagay sa alanganin sa hanapbuhay ng mga magsasaka.

AYON

BUREAU OF CUSTOMS

CYNTHIA VILLAR

DAVID TAN

DAVIDSON BANGAYAN

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

NATIONAL FOOD AUTHORITY

SA SENATE

SENATOR RALPH RECTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with