^

Bansa

'Pork scam' whistleblowers: Malakas ang ebidesnya kay Revilla

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nagtataka ang kampo ng pork barrel scam whistleblowers kung bakit biglang itinanggi ni Senador Ramon “Bong” Revilla Jr., ang kanyang mga pirma at sinabing professional forgers ang mga testigo.

"Bakit inamin niya noon pero ngayon ay dini-deny niya. Dahil ba may kaso na ngayon?" pahayag ng abogado ng mga whistleblowers na si Levito Baligod ngayong Martes ng umaga sa kanyang panayam sa radyo.

Sinabi ng abogado na pina-validate ng Commission on Audit (COA) noong 2011 kay Revilla ang mga papeles sa pagpapalabas ng Priority Development Assistance Funds (PDAF) para sa mga pekeng non-government organization ng negosyanteng Janet Lim-Napoles.

Kaugnay na balita; Bong kay Noy: 'Ito ba ang daang matuwid?'

"Kalakip ng sulat ay napakaraming dokumento na nagpapakita ng pirma ni Senator Revilla at ang tanong ng COA, 'Pirma mo ba ang lahat ng ito at galing ba ang mga dokumentong ito sa iyong opisina?" sabi ni Baligod.

Pinabulaanan ni Revilla sa kanyang privilege speech kahapon ang mga paratang na kumita siya ng malaki sa pork scam.

Tinawag ng senador na “Boy Pirma” ang prime witness Benhur Luy at binansagang "political wrecking crew” ang mga whistleblowers.

Kaugnay na balita; ‘Huwag n'yo sana akong husgahan’ – Sen. Bong Revilla

Itinanggi rin ni Revilla na kinumpirma niya ang kanyang mga lagda sa naturang papeles.

“Kitang kita na sila mismong mga whistle blower at ang kanilang mga kasabwat ang may kagagawan,” tirada ng senador.

“Hindi ko po pirma ang mga dokumentong ebidensya laban sa akin, pero patuloy pa rin nila akong pinagmamalupitan,” sabi pa ni Revilla.

Nauna nang naibalitang kinumpirma ni Revilla sa COA na lagda niya ang mga nasa papeles.

Pekeng Pirma

Aminado naman si Luy na kaya niyang mameke ng pirma, ngunit iginiit na may pahintulot ito ng mga mambabatas, ayon kay Baligod.

"Yung mga dokumento sa liquidation ay inaamin naman ni Benhur na inuutusan sila ni Ginang Napoles na pekein ang pirma. At sa pagkakataon na pirma ng legislator ang pinepeke nila, ay humihingi muna sila ng pahintulot ng legislator," paliwanag ni Baligod.

Nilinaw din ni Baligod na pawang mga lagda lamang sa liquidation documents ang mga peke, habang tunay ang mga lagda sa liham ng mga mambabatas sa Senate Finance Committee at Senate President maging ang request letter sa budget department.

Sinabi pa ni Baligod na malakas ang kanilang ebidensya na sangkot si Revilla at iba pang mamabatas sa pork scam.

Bukod kay Revilla, sinasabing sangkot din sa panlalamang sina Senador Juan Ponce Enrile at Jinggoy Estrada.

BALIGOD

BENHUR LUY

BONG REVILLA

BOY PIRMA

GINANG NAPOLES

PIRMA

REVILLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with