MANILA, Philippines - Lalong tumindi ang lamig sa Baguio City matapos maitala ang pinakamababang temperatura sa lungsod sa 8.1 degrees celcius.
Ayon sa Pagasa, nalampasan na umano ng nasabing temperatura ang rekord noong nakaraang linggo na 9.6 degrees celcius.
Matatandaang ang pinakamababang temperatura sa kasaysayan ng Baguio City ay noong Enero 19, 1961 na umabot sa 6.3 degrees celcius.
Inaasahan pa anyang mas mababa pa ng dalawang antas ang temperatura sa mga matataas na lugar sa lalawigan ng Benguet tulad ng Atok at Mankayan.
Mas lalo pang lalamig sa lungsod ng Baguio at sa lalawigan ng Benguet hanggang sa buwan ng Pebrero.