MANILA, Philippines - Sarado ang US Embassy sa Maynila sa darating na Enero 20 dahil sa paggunita ng Dr. Martin Luther King Jr. Day.
Sa kalatas ng US Embassy, wala silang operasyon at maging ang kanilang mga affiliated offices sa darating na Lunes bilang pista opisyal sa Estados Unidos.
Ginugunita ng mga Amerikano si King na tinaguriang US chief spokesman sa “non-violent activism†sa ika-tatlong Lunes ng Enero kada taon. Siya ay tumanggap ng Nobel Peace Prize noong 1964 dahil sa kanyang papel sa pakikipaglaban sa “racial inequality†sa US nang walang ginagamit na dahas at anumang karahasan.
Mas kilala si King sa kanyang talumpati na “I have a dream†sa harap ng libu-libong Amerikanong demonstrador sa Lincoln Memorial noong 1963.
Isa sa mga bahagi ng kanyang speech na hindi makakalimutan ay ang mga katagang ““I have a dream that my four little children will one day live in a nation where they will not be judged by the color of their skin but by the content of their character.â€
Noong 1983, nilagdaan ni dating US President Ronald Reagan ang isang batas na nagÂlalagay sa araw ng kaarawan ni King bilang federal holiday. Siya ay isinilang noong Enero 15, 1929.
Noong 1994, idiÂneklara ng US Congress ang Dr. Martin Luther King Jr holiday bilang “national day of service†na nananawagan sa mga Amerikano na sa kanilang pamumuhay ay boluntaryong ilaan ang kanilang oras sa nasabing araw upang tumulong na gunitain ang bisyon at adhikain ni King para sa kanyang minamahal na komunidad.
Magbabalik ang opeÂrasyon ng US Embassy sa Manila sa Enero 21, Martes.