Mendez bagong NBI chief

MANILA, Philippines - Itinalaga na si Deputy Director for Regional Services Virgilio Mendez bilang bagong hepe ng National Bureau of Investigation (NBI).

Ayon kay Justice Secretary Leila de Lima, nitong Miyerkules lamang nila natanggap ang appointment papers para kay Mendez mula sa Malakanyang. Kahapon ng umaga ay nanumpa na si Mendez sa pwesto.

Pinalitan ni Mendez si Atty. Medardo de Lemos na tumayong OIC ng tanggapan matapos magbitiw si NBI Chief Nonnatus Rojas noong Setyembre.

Ayon kay NBI Deputy Director Edmund Arugay, ikinatuwa nito ang pagkakatalaga kay Mendez.

Bilang insider, alam anya ni Mendez ang problema sa ahensya at ang posibleng solusyon dito. Maitutuloy din anya ni Mendez ang mga nailatag nang reporma ng mga sinundan nito, taliwas kung isang taga-labas ang itatalaga.

Show comments