^

Bansa

Ping binalaan sa ‘cheap’ na bakal sa rehab work

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Binalaan ng mga eksperto sa industriya ng bakal sa Pilipinas si rehabilitation czar, Panfilo ‘Ping’ Lacson sa pakiki­pag-negosasyon sa mga nag-aalok ng mga produktong bakal na gamit sa pagpapatatag ng mga gusali na bagamat mas mura ay hindi naman nakasunod sa pamantayan ng Department of Trade and Industry (DTI).

Sinabi ni Roberto Cola, presidente ng Philip­pine Iron and Steel Ins­titute (PISI), madalas makasilaw ang alok na murang halaga para sa mga construction materials, lalo na ang mga kabilya, ngunit ang mga nasabing murang bakal ay masyadong peligroso para sa mga istruktura.

Sa isang konsultasyon, sinabi ni Presidential Assistant for Rehabilitation and Recovery (PARR) Secretary Lacson na isusulong nila ang mga bagong normal o new normal, na tumutukoy sa bago, ligtas at mas maayos na mga struktura na may mataas na standards.

Nauna ng natukoy ng mga inhinyero na bumu­sisi sa mga nasirang kabahayan at gusali sa Bohol na niyanig ng 7.2 intensity na lindol, ang mga mahina at walang manufacturers logo na mga reinforcement steel bars o kabilya. Posible umano na ang mga mahinang klase at uncertified na mga kabilya ay inangkat ng walang kaukulang Import Commodity Clearance (ICC) o ginawa ang mga ito mula sa malambot na wire-rods at hindi sa steel billets kaya napakahina ng tensile strength nito. 

“Ang building code natin ay nagtakda na ang mga gusali ay dapat kaya ang intensity 9 na lindol. Ang tumama sa Bohol ay 7.2 lamang kaya kung nasunod sana na maayos ang building code hindi sana napinsala ng husto ang Bohol,” ayon sa report ng mga inhinyero. 

“Sa kaganapang nangyari sa Visayas at ngayong nagsisimula na ang rekonstruksyon dito, naniniwala kami sa industriya na ang patuloy na pagkalat at pagbebenta ng uncertified at substandard steel products ay magdudulot ng panganib sa buhay ng ating mga kababayan,” pangamba ni Cola.

Nagsabi ang PISI na handa silang magbigay ng mga Technical Experts at logistical support na gagawa ng pagsusuri sa mga produktong bakal sa Visayas para maiwasan ang pagkalat ng mga peke at substandard na materyales.

“It is our belief that a massive market monitoring and enforcement campaign will minimize, if not eliminate the threat of greater tragedy,” dagdag ni Cola.

Ang steel industry ay sumusuporta sa ginagawang rehabilitasyon at rekons­truksyon ng gobyerno sa pamamagitan ng pagbibigay ng “reasonably priced steel products” na pasado sa nakatakdang DTI standards para sa kalidad. 

 

vuukle comment

BOHOL

DEPARTMENT OF TRADE AND INDUSTRY

IMPORT COMMODITY CLEARANCE

IRON AND STEEL INS

PRESIDENTIAL ASSISTANT

REHABILITATION AND RECOVERY

ROBERTO COLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with