MANILA, Philippines - Nagpalabas ng talaan ang Department of Labor and Employment (DOLE) sa 15 uri ng trabaho na itinuturing na “hard to fill†o mahirap punan sa Pilipinas, na maari ding gamiting gabay ng mga papasok sa kolehiyo o pipili ng kurso.
Ayon kay Labor Secretary Rosalinda Baldoz, ang mga uri ng trabaho na nakalista ay ibinase sa pinagsama-samang impormasyon ng Bureau of Labor and Employment Statistics Integrated Survey at Project Jobs Fit ng DOLE.
Kabilang sa Skilled Occupational Shortage List ay ang architect, chemical engineer, chemist, environmental planner, fisheÂries technologist, geologist, guidance counselor, licensed librarian, medical technologist, sanitary engineer, computer numerical control machinist, assembly technician, test technician, pilot at aircraft mechanic.
Bukod aniya sa mahirap ang ilan sa mga nabanggit na trabaho, hindi lahat ng paaralan ay nag-o-offer ng ganitong kurso. Bihira lang rin ang kumukuha o nag-aaral ng ilan sa mga ito. Hinikayat din ng kalihim ang iba’t ibang institusyon na magkaloob ng scholarships para sa mga nasabing kurso.
Makatutulong aniya sa ekonomiya ng bansa kung madadagdagan pa ang bilang ng mga indibidwal na kukuha ng mga nabanggit na trabaho.
Sa bagong JobsFit Labor Market Information (LMI) Report 2013-2020, may 272 trabaho na sinasabing in-demand at 110 dito ang hard-to-fill. Nasa 43 naman ang itinuturing na cross-cutting occupations na napabilang sa in-demand at hard-to-fill. Taliwas ito sa 2010 JobsFit Report na may 126 occupations, Ang 64 ay sinasabing in-demand habang ang 62 occupations ay hard-to-fill.