NPA sa Pampanga nalipol na
MANILA, Philippines - Insurgency free na ang Pampanga matapos malipol na ng tropa ng militar ang mga rebeldeng New People’s Army (NPA) na namumugad sa lalawigan.
Sinabi ni Army’s 703rd Infantry Brigade (IB) na pinamumunuan ni Brig. Gen. Henry Sabarre na kung meron mang mangilan-ngilan pang nagtatagong rebelde ay mahina na ang puwersa ng mga ito at hindi na makakaya pang maglunsad ng terorismo.
Ayon sa AFP, umaabot na sa mahigit 30 lalawigan ang naideklarang insurgency free sa buong bansa.
Sa mga lalawigan na may problema pa sa insureksyon ay pinaprayoridad na ang Davao-Compostella Valley na nasa 1,700 pa ang mga namumugad na rebelde habang sa bahagi ng Caraga at Bukidnon ay nasa 300.
Sa Bicol Region ay nasa 600 habang sa Bondoc Peninsula sa Quezon ay 80-90 at sa Mindoro Island ay 30-60 pa ang mga rebeldeng komunista.
- Latest