MANILA, Philippines - Inanunsyo ng Department of Education ngayong Martes na sisimulan sa Enero 25 ang early registration sa lahat ng pampublikong paaralan sa bansa.
Sinabi ni Education Secretary Armin Luistro na nais nilang maagapan kung mayroong magiging problema bago ang enrollment ng mga estudyante.
"We want to prevent logistical problems when the new school year starts in June. If our school heads know how many students they will have ahead of time, they can better prepare classrooms and seats and learning materials," pahayag ni Luistro.
"Our collective aim is a smooth June school opening, that is why we are preparing as early as January," dagdag niya.
Aniya target din ng maaagang registration ang mga batang papasok sa kindergarten at grade 1 sa pagbubukas ng school year 2014-2015.
Tangka rin ng DepEd na mapabalik eskwela ang mga out-of-school children na may edad 5 hanggang 18.
Sinabi ng kagawaran na maaaring pumili ang estudyante ng klase ng edukasyon, ang pormal na alternative delivery mode o ang alternative learning system.
Makikipagtulungan ang DepEd sa lokal na pamahalaan, Parent-Teachers Associations, mga opisyal ng barangay, civil society groups, civic organizations at sa business sector.