^

Bansa

Klase sa Maynila suspendido sa Enero 9

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Idineklarang walang pasok ang lahat ng antas ng klase sa lungsod ng Maynila sa Enero 9, araw ng pista ng Itim na Nazareno.

Batay ito sa kautusang ipinalabas at pirmado ni Manila Mayor Joseph Estrada nitong Enero 3. Naipasa na rin sa unang pagbasa sa Sangguniang Panglungsod ng Maynila ang panukalang ordinansa na nagmumungkahing ideklara bilang special holiday sa Lungsod ng Maynila ang ika-9 ng Enero.

Ayon kay Manila Councilor Don Juan “DJ” Bagat­sing, pinuno ng Committee on Tourism at may-akda ng panukala, ang Pista ng Itim na Nazareno ay isa sa pinakamalaking religious procession na dinadaluhan ng milyun-milyong deboto.

Karaniwan na rin uma­no na inaabot ng buong araw bago tuluyang matapos ang prusisyon at maibalik ang Poon ng Itim na Nazareno sa loob ng simbahan ng Quiapo.

Dahil dito, mainam umano na ideklara bilang local holiday ang kapis­tahan ng Itim na Nazareno nang sa gayon mabigyan ng pagkakataon ang mga deboto ng mas magandang pagkakataon para makiisa sa sagradong tradisyon.

Sa ganitong paraan din umano ay hindi na rin mai-stranded o maiipit ang mga estudyante at mga empleyado na maaapektuhan ng pagsisikip ng daloy ng traffic sa mga pangunahing lansangan sa Maynila dulot ng pag-usad ng prusisyon.

Dagdag pa ni Bagat­sing na nararapat lamang na ibigay ng Pamahalaang Lungsod ng Maynila sa kapistahan ng Nazareno ang pagtrato na ipinagkaloob nito sa mga nauna nang malawakang evangelical activity na ikinakasa sa lungsod na idinedeklara rin na walang pasok.

 

BAGAT

ENERO

ITIM

MANILA COUNCILOR DON JUAN

MANILA MAYOR JOSEPH ESTRADA

MAYNILA

NAZARENO

PAMAHALAANG LUNGSOD

SANGGUNIANG PANGLUNGSOD

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with