MANILA, Philippines - Sampung Pinay ang nasagip sa isinagawang mga pagsalakay sa tatlong massage centers na pinaniniwalaang front ng prostitution sa Malaysia.
Ayon sa report, ang 10 Pinay ay kabilang sa may 35 kababaihan na nailigtas ng Malaysian authorities sa serye ng operasyon sa tatlong reflexology centers sa Setapak, Kuala Lumpur ng nakalipas na mga araw.
Bukod sa mga Pinay, kabilang sa mga nasagip ang 10 Chinese, 12 Thais at Vietnamese nationals na nasa kustodya ng mga awtoridad.
Naaresto sa raid ang anim katao na hinihinalang mga operator ng nasabing massage centers na hindi tinukoy ang mga pangalan kabilang ang isang Myanmar national at umano’y isang Pinay.
UÂÂnangÂÂÂ inalok ang mga dayuhang kababaihan kaÂsama na ang mga Pinay bilang mga propesyunal na masahista subalit isinadlak umano sila bilang sex slaves sa loob ng anim na buwan.
Nang dumating sa MaÂÂÂlaysia ang mga biktima, agad na kinumpiska ang kanilang mga pasaporte at dinala at itinira sila sa mga makeshift rooms ng massage centers saka sila pinuwersa ng kanilang employer na magbigay ng sex service sa mga kustomer.