Iwaksi na ang masamang gawi – CBCP
MANILA, Philippines - Nanawagan sa mga mananampalatayang Kristiano ang Pangulo ng Catholic Bishop Conference of the Philippines (CBCP) at Lingayen-Dagupan Archbishop Socrates Villegas, na magbagong-buhay at iwaksi na ang masasamang gawi sa pagsalubong sa 2014.
Sa pastoral message ni Bishop Villegas na may titulong “Let us start again.†ay kanyang binigyan diin na dapat tuldukan na ang katiwalian, karahasan na bumabalot sa lipunan at umiwas sa masamang impluwensiya.
Sa pagpasok ng Bagong Taon, dapat ay may positibong disposisyon dahil mabuti umanong magkaroon ng magandang panimula sa pamamagitan nang paglingon sa nakaraan nang may pasasalamat at pag-asang magiging maganda ang kinabukasan para sa lahat.
Ipinanalangin rin ni Villegas na makabangon na mula sa pagkakalugmok ang mga biktima ng bagyong Yolanda at ang pagkaroon na ng kapaÂyapaan sa Syria.
“We pray for an end to kidnappings, we pray that violence stop. We beg for the end of terrorism and the conversion of the corrupt,†bahagi pa ng mensahe ni Villegas.
Hinikayat rin ni Villegas ang publiko na bigyang-parangal si Blessed Virgin Mary. “Today is the Feast of Mary, we celebrate her motherhood. The baby she conceived in her heart and carried in her womb, that baby is truly God-man, we believe and we proclaim, He has made our hearts His home; to obey His will is our aim.
- Latest