^

Bansa

Mga Pinoy puno pa rin ng pag-asa sa Bagong Taon -SWS

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Punong-puno pa rin ng pag-asa ang mga Pinoy sa pagsapit ng taong 2014, sa kabila ng mga naranasang dagok ngayong taon.

Sa survey na isinagawa ng Social Weather Stations (SWS), nabatid na 94% sa kabuuang mga Pinoy ay nagsabing may pag-asa pang kakaharapin sa Bagong Taon.

Isinagawa ang survey noong Disyembre 11 hanggang 16 sa may 1,550 na matatanda sa Metro Manila, Luzon, Visayas, at Mindanao.

Ang nagbigay ng pinakamataas na puntos ay ang mga taga-Mindanao na pumalo sa 92% para sa taong 2014 higit na mas mataas sa 85% noong 2012.

Bagama’t ang Mindanao ang isa sa nakaranas ng krisis, tulad ng pagpasok ng Moro National Li­beration Front-Misuari faction noong Setyembre sa Zambonga City.

Hindi naman natinag ang Visayas na nagtala ng 93%  bagama’t tumama ang lindol sa Bohol at humagupit ang super typhoon na Yolanda.

Pinakamataas namang naitala na magkaroon ng pag-asa ang bansa ay ang Luzon na pumalo sa 97%. Tuloy-tuloy ito sa pagtaas sa nakalipas na mga taon: 94% noong 2010, 95% nang 2011, 96% noong 2012.

Pero sa Metro Manila, bumaba naman sa 91% ang nagsabing may pag-asa mula sa  93% noong 2012.

vuukle comment

BAGONG TAON

LUZON

METRO MANILA

MINDANAO

MORO NATIONAL LI

PINOY

SOCIAL WEATHER STATIONS

VISAYAS

ZAMBONGA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with