Kaso ng HIV tumaas

MANILA, Philippines - Nagpahayag muli ng pagkabahala ang Department of Health (DOH) kaugnay sa patuloy na pagtaas ng bilang ng kaso ng human immunodeficiency virus (HIV) sa Pilipinas, dahil sa panibagong 384 katao na tinamaan noong Nobyembre 2013.

Ayon kay Health Asst. Secretary Dr. Eric Tayag, dahil sa panibagong bilang ng mga biktima ay umabot na ngayon sa kabuuang 4,456 ang kaso ng HIV.

Mas mataas ito kung ikukumpara sa mahigit 3,300 Pinoy na natukoy na may HIV noong 2012.

Simula naman 1984, kung kailan sinimulan ng DOH ang regular monitoring sa sakit, ay umabot na sa 16,158 ang total HIV cases sa bansa.

Nabatid na ang Pilipinas ay itinala ng United Nations (UN) bilang isa sa siyam na bansa sa buong mundo na patuloy ang pagtaas ng HIV cases.

 

Show comments