Bgy. officials gawing GSIS members - Villar
MANILA, Philippines - Bilang pagkilala sa kanilang mga sakripisyo at natatanging dedikasÂyon sa trabaho, naghain si Senator Cynthia Villar ng panukalang batas para maging kasapi ng Government Service Insurance System (GSIS) ang libu-libong barangay officials sa buong bansa.
Sa ilalim ng SBN 301, na may titulong “An Act Including Barangay Officials within the Coverage of the Government SerÂvice Insurance System (GSIS), nais ni Villar na palawigin ang coverage ng sistemang ito at gaÂwing miyembro ang mga opisyal ng barangay.
Ang GSIS, sa pakikipag-ugnayan sa DILG at mga liga na kumakatawan sa mga kapitan at iba pang opisyal ng barangay, ang magpapalabas ng alituntunin sa pagpapatupad ng mga probisyon sa panukalang batas na ito ni Villar.
“The rules and regulations shall cover the rate of premiums and the manner of its payment, the extent of insurance coverage, the contributions to be collected from barangay officials concerned and the possible contributions of provinces, cities and municipalities,†ani Villar.
Kinilala ni Villar ang “round-the-clock’ security na ipinagkakaloob ng mga opisyal ng barangay sa mga komunidad para matiyak ang kaligtasan ng mga residente.
Sila rin ang naatasang umayos sa gusot ng magkakapitbahay sa pamaÂmagitan ng Katarungan Pambarangay, bukod sa pagpapatupad ng iba pang batas at polisiya.
“This legislation augments the meager compensation and benefits enjoyed by the barangay officials by making them part and covered by GSIS,†giit ni Villar.
Sinabi ni Villar na kinikilala ang ginagampanang tungkulin ng barangay officials sa Local Government Code of 1991.
Marapat lamang na agarang pag-ukulan ng pansin ang panukalang batas na ito.
- Latest