^

Bansa

266 MNLF sa Zambo siege ibiniyahe na sa Bicutan jail

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Ibiniyahe na patungong Camp Bagong Diwa jail sa Bicutan, Taguig City ang 266 detainees ng Moro National Liberation Front (MNLF) Nur Misuari faction na sangkot sa madugong 20 araw na siege noong Setyembre sa Zamboanga City.

Ayon sa ilang security officials sa Western Min­danao, ang MNLF detainees ay isinakay kahapon ng umaga sa barkong Landing Ship Transport (LST) 550 ng Philippine Navy na inieskortan ng Patrol Ship 38, mahigit 500 pulis, 164 sundalo, 51 Navy at 105 BJMP personnel.

Ang mga detainees ay sinundo mula sa San Ramon Penal Colony sa Brgy. San Ramon ng lungsod noong Huwebes ng gabi. Kasama rin sa mga ibiniyaheng tauhan ni Misuari ay 26 na nakadetine sa Zamboanga Reformatory Center (ZCRC).

“The travel is so critical, for security reasons we will not give additional details,” pahayag ni Task Force Zamboanga Commander Col. Adrelino Colona upping hindi masabotahe ang pagbiyahe tulad ng rescue sa dagat.

Inaasahan namang tatlo hanggang 4 araw ay makakarating na sa Metro Manila ang barko.

Ang transfer ng detention ng MNLF ay base sa resolusyon na inaprubahan ng Supreme Court (SC) at ng lokal na korte para ilipat ng kulungan ang mga ito sa Camp Bagong Diwa.

Magugunita na sinalakay ng nasa 300 MNLF ang ilang barangay sa lungsod ng Zamboanga kung saan daang sibilyan ang hinostage noong Setyembre 9. Ang krisis ay tumagal hanggang 20 araw na kumitil at ikinasugat ng nasa 500 katao.

ADRELINO COLONA

CAMP BAGONG DIWA

LANDING SHIP TRANSPORT

METRO MANILA

MORO NATIONAL LIBERATION FRONT

NUR MISUARI

PATROL SHIP

PHILIPPINE NAVY

SAN RAMON

SAN RAMON PENAL COLONY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with