Gabinete ni PNoy na ‘di nakalusot muling itatalaga
MANILA, Philippines - Siniguro ng Malacañang kahapon na muling itatalaga ni Pangulong Aquino ang mga gabinete nitong hindi muli nakalusot sa kumpirmasyon sa Commission on Appointments.
Sinabi ni PCOO Sec. Herminio Coloma Jr., nananatili pa rin ang trust and confidence ni Pangulong Aquino kina DSWD Sec. Dinky Soliman, Energy Sec. Carlos Jericho Petilla, Justice Sec. Leila de Lima at DENR Sec. Ramon Paje.
Ang apat na opisyal ay nabigong makalusot sa kumpirmasyon nito sa CA at kailangang italaga muli sila ng Pangulo sa ad interim appointment habang naka-recess ang Kongreso upang umakto bilang mga kalihim.
“Patuloy po ang paglilingkod nina Kalihim Leila de Lima, Ramon Paje, Carlos Jericho Petilla, at Corazon Soliman dahil buo naman po ang tiwala at kumpiyansa ng Pangulo sa kanilang paglilingkod,†wika pa ni Coloma.
- Latest