Age limit sa empleyado pinapaalis
MANILA, Philippines - Hindi na dapat maglagay ng age limit o age requirement ang mga employer sa pagkuha at pag-aalis ng mga empleyado.
Sa inihaing House Bill 2416 o Anti-Age discrimination in Employment Act na inihain ni Leyte Rep. Lucy Torres-Gomez, ipagbabawal na ang pagsibak at pwersahang pagpaparetiiro sa empleyado ng mas maaga kaysa sa mandated age of retirement.
Bukod dito hindi rin maaaring gamiting basehan ang edad sa pagkuha ng empleyado.
Pagmumultahin ng P10,000 at higit pa ang media company na maglalathala at maglalabas ng mga age discriminatory advertisement.
Matatandaan na inireklamo ng mga stewardess at mga gwardiya ang mas pagbibigay prayoridad sa mga batang aplikante ng mga airline at security companies.
Subalit sa ibang bansa ay hindi naman obligado na ilagay ang edad sa employment form.
Bukod dito maaari rin magtrabaho sa kahit na anong tindahan maging ang mga senior citizens.
- Latest