MANILA, Philippines - Dumating na sa bansa kahapon ang 280 Pinoy na stranded sa Saudi Arabia.
Ayon sa Overseas Workers Welfare Adminsitration (OWWA), mula sa nasabing bilang ay 186 kababaihan at 94 mga bata ang dumating sa NAIA mula Jeddah lulan ng chartered flight Saudia Airlines flight SV 3876 dakong alas-11 ng umaga.
Ang mga OFW at kanilang mga anak ay sinalubong ng OWWA Repatriation Assistance Team at inasistihan sa kanilang mga papeles paglapag sa paliparan.
Kamakalawa ay unang dumating ang may 257 OFWs na kabilang sa mga nanirahan sa “Tent City†na binigyan din ng assistance ng OWWA sa kanilang pagdating sa NAIA.
Ang mga retruning OFWs ay aalukan ng Reintegration Program partikular ang “Balik-Pilipinas, Balik-Hanapbuhay†ng Department of Labor and Employment at Livelihood Assistance Program ng OWWA.