Grand opening ng J-La & KC Facial, Spa

MANILA, Philippines - Bonggang-bongga at iba’t ibang pakulo ang matutunghayan sa grand opening ngayong araw, Disyembre 18, 2013 sa kauna-unahang Facial, Spa & Beauty Center sa bayan ng Botolan sa Zambales kung saan pangunahing panauhin ang ‘Action Mayor’ na si Doris Maniquiz. Bagama’t marami nang nagsulputang mga parlor/saloon sa bayan ng Botolan ay ngayon lamang magkakaroon ng â€˜facial at spa.’

Tumatayong manager ng ‘J-La & KC Facial, Spa and Beauty Centre’ na matatagpuan sa pinalinis at pinagandang Botolan Public Market si Edna Corum Chan katuwang ang kaibigang si Jeane La sa isang joint venture.

Sa murang halaga ay mari-relax at makakamit na ang inaasam ninyong service de-luxe mula ulo hanggang paa. Maging ang mga bulilit ay kasali rin dahil sa ‘Little Angel’s Treat’ na murang-mura pero tiyak na enjoy sila.

 

Show comments