^

Bansa

PNP handa na sa pagsalubong sa Pasko at Bagong Taon

Danilo Garcia, Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Handa na umano ang buong hanay ng Philippine National Police (PNP) sa pagsalubong sa Pasko at Bagong Taon.

Sa memorandum circular Yuletide 2013 na inisyu ni PNP director Alan Purisima, inatasan nito ang buong kapulisan na tiyaking ligtas ang mga lugar na madalas punta­han ng mga mamamayan tulad ng simbahan, parke, shopping malls at iba’t ibang terminal sa bansa.

Bumuo na rin ng task force ang bagong NCRPO Director, Chief Supt. Carmelo Valmoria upang matiyak ang kaligtasan ng publiko sa mga kriminal partikular ang mga holdaper, mandurukot, snatcher at iba pang modus-operandi.

Bukod dito, magpapakalat din umano ang PNP ng road safety marshal na aayuda naman sa daloy ng trapiko at magtatalaga ng police assistance desk sa mga mall, bus terminals, airports, gayundin sa MRT at LRT upang pagsumbungan ng publiko laban sa mga kriminal, kahina-hinalang personalidad, mga abusadong taxi drivers at iba pa.

Lalo rin umanong paiigtingin ang police checkpoints laban naman sa mga kriminal lulan ng mga motorsiklo at pribadong sasakyan at paghahabol sa mga iligal na baril.

May kampanya rin ang NCRPO laban sa mga iligal na nagpapaputok ng baril. Maaaring isumbong ng publiko ang mga kapitbahay o sinumang makikitang nagpapa­putok ng baril sa telepono bilang: 0917-8561040, 0915-8888181 at 0999-9018181.

Sa kabuuan, titiyakin umano ng pambansang pulisya na hindi makakapagsamantala ang mga masasamang loob sa mga mamamayang masayang sinasalubong ang Pasko at Bagong Taon.

 

ALAN PURISIMA

BAGONG TAON

BUKOD

BUMUO

CARMELO VALMORIA

CHIEF SUPT

PASKO

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with