^

Bansa

GMA, Gov. Vi at 420 pa pinabababa sa puwesto

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinababakante muna ang puwesto ng may 422 elected officials na nabigong magsumite sa Commission on Elections (Comelec) ng kaukulang Statement of Contributions and Expenditures (SOCE) sa nakalipas na May 2013 elections.

Inihayag ito ni Comelec Chair Sixto Brillantes Jr. sa pulong-balitaan kahapon.

Kabilang sa pinabababa sa puwesto ang may 20 mambabatas na kinabibilangan nina dating pangulo at ngayo’y Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo, Muntinlupa Rep. Rodolfo Biazon at 404 local officials na kinabibilangan ng kilalang mga perso­nalidad na sina Batangas Governor Vilma Santos at Laguna Gov. ER Ejercito of Laguna.

Kasama din sa bigong maghain ng SOCE sina Pangasinan Gov. Amado Espino, Ilocos Sur Gov. Ryan Luis Singson, Ilocos Sur 1st District Rep. Ro­nald Singson at Pasay City Mayor Tony Calixto.

Sinabi ni Brillantes na bukod sa pagkabigong maghain ng SOCE, mayroon rin sa mga pinabababang opisyal ang hindi pumirma sa isinumiteng SOCE, habang ang iba ay mali ang ginamit na form.

Dapat umanong bakantehin ang 4 na go­vernor position; 1 vice-governor; 12 Sangguniang Panlalawigan, 3 alkalde, 20 congressmen, 9 na vice mayors, 47 Sangguniang Panglungsod. 23 municipal mayors. 26 municipal vice mayors at 277 Sangguniang Bayan.

Nilinaw naman ni Brillantes na maari lamang silang bumalik sa posisyon sa oras na makatugon na kani-kanilang SOCE, na tama at kailangang magbigay din ng administrative fine.

Sa 422, nasa 169 dito ang Liberal Party (LP) ; 44 ang National Union Party (NUP) na kaalyado ng Liberal Party; 39 Nacionalista Party (NP), 33 independents; 31 Nationalist People’s Coalition (NPC); 29 United Nationalist Alliance (UNA) at 17 mula sa Lakas-CMD.

Nagpadala na umano ang Comelec ng liham kay Speaker Feliciano Belmonte Jr. at kay DILG Secretary Manuel Roxas na ipatupad ang nasabing kautusan.

May nilagdaan umanong Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng Comelec at DILG noong Marso 2012 na nagtatakda sa lahat ng mga lokal na kandidato na bigyan ang DILG ng kopya o certification na nakatugon sila sa hinihinging SOCE ng poll body.

AMADO ESPINO

BATANGAS GOVERNOR VILMA SANTOS

BRILLANTES

COMELEC

COMELEC CHAIR SIXTO BRILLANTES JR.

DISTRICT REP

EJERCITO OF LAGUNA

GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

LIBERAL PARTY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with