Bagsak na rating ni PNoy binalewala

MANILA, Philippines - Binalewala ni Pangulong Aquino ang pagbagsak ng kanyang satisfaction rating sa pinakahuling SWS survey sa 3rd quarter.

Ayon kay PCOO Sec. Herminio Coloma Jr., ang mahalaga sa Pangulo ay maisulong ang Philippine Development plan upang lumago ang kabuhayan ng bawat mamamayan at maramdaman ng mamamayan ang tunay na pag-unlad ng kanilang katayuan sa buhay.

Aniya, naka-pokus lamang sa trabaho ang Pangulo at hindi ito nakabatay sa popularity rating na nakukuha nito sa iba’t ibang survey firms.

Magugunita na bumagsak sa 49 percent ang sa­tisfaction rating ng Pangulo sa isinagawang survery ng SWS noong September 20-23 kumpara sa 64 percent nito noong June o mas mababa ng 15 percent.

Show comments