MANILA, Philippines - Nilagdaan na ni Pangulong Aquino ang Executive Order 62 para sa magiging trabaho ni dating Sen. Panfilo Lacson bilang Rehabilitation Czar na may Cabinet rank.
Sa Memorandum Order naman ni Pangulong Aquino ay itinatalaga si Sen. Lacson bilang presidential assistant for rehabilitation and recovery na may ranggo bilang miyembro ng Gabinete.
Si Lacson ang mangangasiwa sa rehabilitation effort ng mga lalawigan na matinding hinagupit ng bagyong Yolanda.
Binibigyan din ng kapangyarihan si Lacson na kumuha ng mga experts at professionals na magiging katuwang nito sa pagpapatupad ng kanyang trabaho bilang Rehab Czar.
Pinili ni PNoy si Lacson na pamunuan ang rehabilitation effort ng gobyerno matapos na umani ng batikos dahil sa mabagal na response ng gobyerno sa paghahatid ng tulong sa mga biktima ni Yolanda partikular sa Tacloban City at iba pang bayan sa Leyte at Samar na matinding hinagupit ng bagyo.