MANILA, Philippines - Isinusulong ni Las Piñas Rep. Mark Villar ang panukalang ‘School Bus Safety Act’ sa Kamara para maiwasan ang mga aksidente na ikinakapahamak at maaari rin ikamatay ng mga estudyante.
Hinihikayat ni Villar ang gobyerno na magtakda ng pamantayan sa disenyo ng mga school bus para na rin sa kaligtasan ng publiko, lalo na ng mga estudÂyanteng pasahero.
Ang bus, ayon sa panukala ni Villar, ay anumang de-motor na sasakyan na kayang magsakay ng 10 tao. Hindi kabilang dito ang mga trailer at school-chartered na bus.
Kapag naisabatas ang panukala, ang Department of Transportation and Communications o DOTC ay magtatakda rin ng pagsubok ng kasanayan (proficiency tests) para sa mga driver ng school bus bago makakuha ng lisensya para magpasada ng school bus.
Ang DOTC ay magtatakda rin ng mga regulasyon na magpapatupad ng paggamit ng seatbelts ng driver at mga pasahero ng school bus.
“Napakaimportante ng mga seatbelts. Ang mga tao ay dapat madisiplina sa paggamit nito, maaaring maligtas nito ang kanilang buhay,†ani Villar.
Ang DOTC, sa pakikipagtulungan ng mga safety organizations at mga asosasyon ng mga magulang at guro ay magsasagawa ng programa upang i-promote ang paggamit ng seatbelts sa mga school bus.