MANILA, Philippines - Posibleng tumugon sa kabi-kabilang panawagan ng mga consumer groups at mga negosyante na magpatupad ng “staggered basis†o pautay-utay na pagtataas sa singil sa kuryente ang Manila Electric Company (Meralco).
Sinabi ni Energy Secretary Jericho Petilla na kabilang rin sila sa humiling sa Meralco na magpatupad ng “staggered basis†ng pagtataas. Naipatupad na umano ito noong taong 2010 kung saan nagtaas ng P2 kada kilowatt hour ang Meralco.
Sa tantiya ng Meralco, posibleng umabot sa P4 kada kilowatt hour ang itataas sa singil sa kuryente ngayong DisÂyembre. Kung ang isang bahay ay kumokunsumo ng 200kWh kada buwan, makakatikim ito ng P700 pagtataas sa kanilang electric bill.
Ang naturang pagtataas ay bunsod ng pansaÂmantalang paghinto sa opeÂrasyon ng Malampaya at sabay-sabay na shutdown rin ng ilang mga planta ng kuryente na piÂnagkukunan ng suplay na enerhiya ng Meralco. Napilitan tuloy ang natitirang planta na magtaas sa singil sa isinusuplay nilang enerhiya.
Ayon kay Petilla, kanila ring paiimbestigahan kung may sabwatan ang mga plantang sabay-sabay na huminto sa operasyon upang mabatid kung sinasadya na lumikha ng artipisyal na kakulangan sa suplay ng kuryente.
Sinabi naman ni Meralco spokesman Joe ZaldaÂriaga na maaaÂring sa Lunes nila ihayag ang opisÂyal na halaga ng kanilang dagdag singil at kung magpapatupad muli sila ng “staggered basis†sa pagtataas.
Una namang sinabi ng Energy Regulatory Commission (ERC) na maaaÂring magtaas ng singil ang Meralco kahit na hindi idaan sa kanila para sa approval kung ang komputasyon na gagamitin ay base sa formula na “pre-approved†na ng ERC.
Titignan pa umano nila ang halaga na ipatutupad ng Meralco ngayong DisÂyembre upang mabatid kung sinunod ng Meralco ang kanilang formula at upang mabatid kung magkakaroon ng paglabag sa kanilang panuntunan, ayon kay ERC executive director Saturnino Juan.