MANILA, Philippines - Ikinatuwa ng S & P Construction Technology and Development Company ang naging aksyon ng Pasay City Council na i-recall ang 54.5 billion peso Manila Bay reclamation project.
Nagpasalamat ang kumpanya sa City Council at kay Mayor Antonino Calixto dahil sa remedial actions upang itama ang selection/bidding process.
Para sa S & P, ang Resolution No. 3059 na nag-recall sa lahat ng resolusyong may kaugnayan sa raw reclamation and horizontal development ng 300 hectares off-shore and in-shore parts sa Manila Bay, ay katunayan na nais ng lokal na pamahalaan ng competitive, transparent at open bidding sa bawat kontrata o proyekto.
Ang resolusyon ng City Council ay mahalagang hakbang upang itama ang ginawa sa proseso.
Umaasa naman ang kumpanya na ikukunsidera ni Mayor Calixto at ng PPP Selection Committee ang pagbaÂlangkas ng bagong proseso sa bidding upang bigyang daan ang iba pang bidder at stakeholders na makasama sa negosasyon.