^

Bansa

Lifetime tax exemption kay Pacquiao

Gemma Amargo-Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dapat bigyan ng habang buhay na exemption sa pagbabayad ng buwis si peoples champ at Sarangani Rep. Manny Pacquiao.

Sa House Bill 3521 o Pacquiao Act na inihain ni Valenzuela Rep. Magtanggol Gunigundo, hindi na pagbabayarin ng buwis ang boksingerong kongresista para sa lahat ng kinita nito sa kanyang ari-arian, negosyo at pagbo-boksing.

Ang mga naibayad namang buwis ni Pacquiao sa mga nagdaang taon ay hindi na ire-reimburse pa sa kanya ng estado.

Sa pamamagitan nito ay maibabalik umano ng bansa sa pambansang kamao ang marami at malaking karangalan na naibigay nito sa buong bansa dahil sa husay nito sa larangan ng boksing.

Si Pacquiao ay naging icon para sa mga Pinoy hindi lamang dahil sa pagiging kampeon nito kundi dahil sa katangian nito na pagiging mapagkumbaba, charisma at pagiging matulungin.

Sa sandaling mapagtibay ang panukala, ito ang unang pagkakataon na magbibigay ng lifetime exemption sa income tax payment ng gobyerno sa isang taxpayer.

Subalit hindi na umano ito bago sa buong mundo dahil ang Columbia ay naggawad ng ganitong pribilehiyo sa outstanding national nito na si Luz Marina Zuluaga matapos manalo bilang Miss Universe noong 1958.

 

LUZ MARINA ZULUAGA

MAGTANGGOL GUNIGUNDO

MISS UNIVERSE

NITO

PACQUIAO ACT

SA HOUSE BILL

SARANGANI REP

SI PACQUIAO

VALENZUELA REP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with