^

Bansa

P54.5-B Manila Bay reclamation ni-recall

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nagdesisyon kahapon ang Pasay City Council na i-recall ang unang inaprubahang P54.5 bilyong Manila Bay reclamation project dahil umano sa mga depektong kanilang nakita sa kontrata.

Nagkakaisang ipinasa ng mga miyembro ng konseho ang 8-pahinang Resolution No. 3059 na nag-uutos para i-recall ang mga naunang resolusyon na inisyu para sa reklamasyon at pagdebelop sa 300 ektaryang bahagi ng Manila Bay.

Sinabi ni Councilor Allan Panaligan, chairman ng Committee on Land Use, na nagdesisyon sila na i-recall ang kontrata dahil umano sa ilang depekto na una nang pinuna ng ibang stakeholders sa proyekto kabilang ang S&P Construction Technology and Development Co. at Ayala Land Incorporated.

“Gusto lang namin na walang ground para masam­pahan ng kaso sa korte ang konseho maging ang ehekutibo dahil sa mga depekto.  Nag-iingat lang kami. Nagpakita naman ng mga isyu ang S&P at Ayala Land na nakita na­ming kailangang agad na aksyunan,” ani Panaligan.

Kabilang dito ang hindi umano pagsasagawa ng public bidding, isyu sa kalikasan, at mga pagkakamali sa proseso tulad ng hindi pagsunod sa NEDA 2008 Joint Venture Guidelines na nagsasa­bing kailangang magbigay ng 60-araw na ekstensyon para makapagsumite ng “counter-proposal” ang ibang kumpanya.

Nasa kamay na umano ni Mayor Antonino Calixto ang gagawing aksyon para maitama ang mga nakitang depekto o gumawa ng bagong procedure para mu­ling makasama sa pr­oseso ang iba pang stakeholders.

AYALA LAND

AYALA LAND INCORPORATED

COUNCILOR ALLAN PANALIGAN

JOINT VENTURE GUIDELINES

LAND USE

MANILA BAY

MAYOR ANTONINO CALIXTO

P CONSTRUCTION TECHNOLOGY AND DEVELOPMENT CO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with