^

Bansa

DOH walang ‘travel ban’ sa H7N9

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa kabila ng bagong kasong naitala na namatay sa H7N9, hindi  pa rin magpapatupad ng “travel ban” ang Department of Health (DOH) sa Hong Kong. 

Ayon kay Health Asec. Eric Tayag, patuloy namang nakikipag-ugnayan ang kanilang ahensiya sa World Health Organization (WHO), hinggil sa deve­lopment ng nakumpirmang kaso nang H7N9 avian flu contamination.

Sa ngayon aniya ay hindi pa nirerekomenda ng WHO ang travel res­triction, hindi lamang sa Hong Kong, kundi maging sa ibang panig ng China.

Muli ring tiniyak ng opisyal na nananatiling “bird flu-free” ang bansa at may ipinapatupad ng measures ang gobyerno para mamonitor ang posibleng pagpasok ng virus sa Pilipinas.

Nagpaalala rin si Tayag­ na patuloy na umiiral ang “importation ban” ng mga poultry products galing ng China, bilang bahagi sa naturang precautionary measures.

Una nang nakumpirma ang kauna-unahang human case ng H7N9 sa isang 36-year-old Indonesian house helper sa Hong Kong.

Sa ngayon, mayroon nang naitalang 141 birds flu cases sa buong mundo kung saan 47 na ang kumpirmadong nasawi.

vuukle comment

AYON

DEPARTMENT OF HEALTH

ERIC TAYAG

HEALTH ASEC

HONG KONG

MULI

NAGPAALALA

PILIPINAS

WORLD HEALTH ORGANIZATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with