P14.6 B supplemental budget pasado na sa House
MANILA, Philippines - Pasado na sa Kamara sa ikatlo at huling pagbasa ang P14.6 bilyong supplemental budget para sa rehabilitasyon ng mga lugar na sinalanta ng bagyo, lindol at maging ng krisis sa Zamboanga.
Sa ginanap na nominal voting, 213 ang pumabor samantalang 6 ang hindi pumabor kayat pumasa ang House Bill 3423 na inihain nina House Speaker Feliciano Belmonte, Majority leader Neptali Gonzales at Minority leader Ronaldo Zamora.
Ang P14.6 bilyon na supplemental budget ay manggagaling sa natitirang pork barrel o PDAF ng mga senador at kongresista na naideklarang unconstitutional ng Korte Suprema. Dahil ang supplemental budget ay lump sum, wala itong detalye kung saang mga proyekto gagamitin ang pondo.
Kabilang sa mga lugar na gagastusan ang rehabiliÂtasyon mula sa supplemental budget ang Eastern Samar, Leyte, Biliran, Southern Leyte, Northen Samar, Antique, Capiz, Aklan, Negros Oriental, NegrosOccidental, Romblon at Cebu. Ang mga nabanggit na lalawigan ay pawang naapektuhan ng super typhoon Yolanda.
Nilinaw naman sa HB 3423 na hindi lamang ito limitado para sa sinalanta ng bagyong Yolanda kundi maaari din pondohan ang rehabilitasyon ng mga lugar na sinalanta ng mga nagdaang malalakas na bagyo, ang mga lugar na naapektuhan ng magnitude 7.2 lindol at mga naapektuhan ng Zamboanga crisis.
- Latest