MANILA, Philippines - Patuloy ang pagbuhos ng tulong pinansiyal at iba pang uri ng suporta ng People’s Republic of China sa mga biktima ng ‘Super Typhoon ‘Yolanda’ kahit sila mismo sa bansang Tsina ay nadelubyo rin ng nasabing bagyo kamakailan.
Matatandaang noong Linggo, dumaong ang ‘Peace Ark’, ang pinakamodernong hospital ship ng Tsina sa Leyte, lulan ang 35 tonelada ng relief goods.
Mayroon din itong 300 hospital beds, 20 ICUs (Intensive Care Units), mga modernong medical facilities at tinatayang 106 medical professionals.
Ang pagdating ng hospital ship ay sumisimbolo sa pagiging sinsero ng China na tulungan ang mga kababayan nating sinalanta ni ST Yolanda (international code name: Haiyan), ang itinuturing na pinakamalakas na bagyong tumama sa kalupaan sa kasaysayan ng mundo.
Matapos ang panaÂnalasa ni Yolanda, may mga kritiko ang China sa pagbibigay lamang umano nito ng kakarampot na suporta sa Pilipinas na $200,000 sa anyo ng “emergency aid†na mismong ibinigay ng Chinese government at Red Cross Society of China (RCSC).
Ang hindi alam ng mga kritiko, ang Chinese mainland at ang populasyon ay winasak din ng bagsik ni Haiyan/Yolanda ng nasabing oras.
Humupa ang bagyo sa bansa noong November 9 at dumiretso ito sa China bago nanalasa rin sa Vietnam.
Ayon sa Chinese authorities, tinatayang 4 million ng kanilang kababaÂyan na halos katumbas ng sinalanta sa Kabisayaan ang hinataw ni Yolanda bukod pa sa mga buhay at ari-ariang nawala.
Ngunit sa kabila nito, agad nagpaabot si Chinese Pres. Xi Jinping at Foreign Minister Wang Yi ng pakikiramay kay Pres. Benigno Aquino III at kay Department of Foreign Affairs Sec. Albert del Rosario.
Sa kasalukuyan, kung pagsasama-samahin ang monetary at material aid mula sa China, aabot na ito sa mahigit P100 million.
Pero hindi matutumbasan ang napakalaÂking medical professionals at experts na ipinadala ng China para umayuda sa pagbangon ng mga kababayan nating biktima ng trahedya.
Kabilang dito ang 19 miyembro ng RCSC na tumulong sa 2004 tsunami sa Indonesia at sa 2008 Sichuan earthquake.
Si Ambassador Ma Keqing ay nagsagawa ng special trip sa Cebu para personal na tingnan ang medical teams sa mga sinalantang lugar.
Hinimok niya ang grupo na gawin ang lahat ng makakaya para iparamdam sa mga Pinoy na kailangang lumaban sa gitna ng trahedya at makapagbuo ng mas matibay na pagkakaibigan ang dalawang bansa.