^

Bansa

‘Peace offering’ China sumaklolo sa Yolanda victims

Butch M. Quejada - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Mga kumpanya ng China sa Pilipinas at ang malaking ‘Fil-Chinese community’ sa bansa ang isa sa mga grupong nauna sa pagbibigay ng tulong at suporta sa mga lugar at mga nabiktima ni ‘Super Typhoon Yolanda,’ partikular sa Central Visayas.

Bagaman hindi ito na­bigyan ng kaukulang pansin dahil na rin sa katangian ng mga Intsik na hindi mahilig “umepal” upang ipakita ang paghahatid nila ng tulong.

Noong Nob. 10, dalawang araw matapos ang pananalasa ni Yolanda, mayroon na agad ‘satellite telephone link’ sa Tacloban City dahil na rin sa pagsisikap ng mga ‘engineers’ at iba pang eksperto sa komunikasyon na agad ipinadala ng ‘Huwaei Technology.’

Ito ay bukod pa sa mga relief goods at iba pang ‘emergency assistance’ na inilunsad ng kumpanya para sa direktang pakinabang ng mga biktima.

Ang Huwaei ay kapartner ng Globe Philippines at isa sa pinakamalaking ‘telecomm company’ sa buong mundo. Ang tuloy-tuloy na pagbabalik ng linya ng mga telepono sa mga napinsalang lugar ay dahil na rin sa walang humpay na pagtatrabaho ng mga opisyal at empleyado ng Huwaei.

Sa panig naman ng China National Grid Corporation (CNGC) na partner ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), hindi pa man tuluyang umaalis ng bansa si Yolanda noong Nobyembre 8, agad na nitong binalangkas ang ‘Black- Start program’ upang alamin ang lawak ng pinsala sa mga linya ng kuryente partikular na sa Leyte, Bohol at Samar at kung paano mabilis na maibangon ang mga ito.

Sa kasalukuyan ay may higit 1,500 tauhan ang CNGC na hinati sa 34 grupo ng mga engineers at iba pang eksperto na ikinalat sa mga napinsalang lugar para sa agarang pagkumpuni ng mga ‘power lines’ at pagbabalik ng kuryente. 

Binuksan naman ng Yiyi Mining Company ang pasilidad nito at ginamit ang mga sasakyan at iba pang pag-aari upang tulu­ngan ang mga nasalantang komunidad sa paligid ng ‘mining site’ nito sa Eastern Samar.

Bagaman malaki ang pagkalugi ng kumpanya sa lawak ng pinsala ni Yolanda sa Eastern Samar, boluntaryong nakalikom ng P250,000 mula sa hanay ng mga opisyal nito at manggagawa para sa gamot, tubig at pagkain ng mga nabiktima.

Malaking bulto rin ng relief goods ang dinala ng Yinyi ng bumisita sila upang personal na makita ang pinsala ng bagyo.

Sa pagdating naman ng ‘Peace Ark,’ ang mo­dernong ‘hospital ship’ ng Sandatahang Lakas ng China, inaasahang lalo pang titibay at lalakas ang relasyon at pagkakaibigan ng dalawang bansa.

Ang Peace Ark ay may 20 ICU (intensive care unit) at 8 operating table para sa mga nangangailangan ng ‘emergency hospital treatment.’

Magugunita rin na ang Fil-Chinese community sa bansa, kasama ang mga malalaking kumpanya na pag-aari ng mga Fil-Chinese families, ay agarang kumilos para tumulong sa mga biktima. Isa na rito ang pagtigil sa pagbebenta ng mga ‘bottled water’ upang libreng maipamahagi ang mga ito sa mga biktima.

 

ANG HUWAEI

ANG PEACE ARK

BAGAMAN

CENTRAL VISAYAS

CHINA NATIONAL GRID CORPORATION

EASTERN SAMAR

FIL-CHINESE

YOLANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with