MANILA, Philippines - Pinabulaanan kahapon ng Malacanang ang mga ispekulasyon na sinasadyang pabagalin ang pagbibilang sa mga namatay sa bagyong Yolanda upang hindi umabot sa naunang tinayang 10,000.Ayon kay Deputy Presidential Spokesperson Abigail Valte, walang katotohanan ang mga ispekulasyon at dapat hayaan na lamang na matapos ang pagbibilang para masabi kung ilan talaga ang mga nasawing biktima.
May ulat na umaabot na sa 5,235 ang natatagpuang patay bukod pa sa 1,600 na nawawala kaya posibleng umabot nga sa 10,000 base sa unang pagtataya.
“Ang sagot natin diyan ay hayaan na lang ho natin na matapos iyon—na isara ho kumbaga iyong count bago po kami magkomento, kung iyan na iyong pinakamataas in history, or at least for the Philippines,†sabi ni Valte.
Hindi rin aniya tamang sabihin na “iniipit†ng gobyerno ang totoong bilang at hindi ito tamang pag-usapan sa ngayon.
“Iyong sa pangalawa naman, una, wala ho kaming… Hindi ho tamang pag-usapan pa na iniipit ho namin iyong numero kasi hindi naman ho namin gagawin iyon. Nobody in his right mind would do that,†sabi ni Valte.
Ipinagtanggol din ni Valte si Pangulong Benigno Aquino III sa unang pahayag nito na aabot lamang sa hanggang 2,500 ang namatay dahil hindi pa umano noon nasusuyod ang lahat ng lugar kung saan nanalasa ang bagyong Yolanda.
Idinadgag ni Valte na hindi rin tama ang kuwento na malapit ng umabot sa 10,000 ang mga namatay dahil lamang umapak na sa 5,200 ang mga nakikitang bangkay.
“Wala ho din kami sa puwesto para sabihing mataas or mababa but, kung ano lang ho talaga iyong nakukuha ho natin, iyon ho ‘yung sinasama natin doon sa numbers. At parang medyo hindi naman din ho tama na dahil umapak sa 5,200 ay mas malapit na sa—ay konti na lang 10,000 na. Let’s just stick to what the figures are and leave the speculation out of that conversation,†sabi ni Valte.
Nauna rito, tinanggal sa puwesto ang hepe ng Central Visayas Police (PRO8) na si Chief Supt. Elmer Soria dahil sa naging pahayag niya na umaabot sa 10,000 ang namatay sa bagyong Yolanda.