Mga imbentor, tumugon sa pangangailangan ng mga binagyo
MANILA, Philippines - Sa pamamagitan ng kanilang sariling imbensyon, hindi nagpahuli ang ilang miyembro ng Filipino Inventors Society (FIS) na makibahagi sa walang tigil na pagbuhos ng tulong mula sa iba’t ibang sektor at bansa sa mga lugar sa Visayas na lubhang naapektuhan ng bagyong Yolanda.
Pinangunahan ni Dinky Hementera, president ng Plantex Products Inc., ang pagkakaloob ng halagang P8 milyong cleaning, disinfectant at water treatment solution na kapag inispray sa mga bangkay ay nawawala ang amoy.
Ang mga prudukto ng Plantex ay napipigilan din ang pagkalat ng mga mikrobyo mula sa mga ito at nililinis din ang tubig sa ibabaw at ilalim ng lupa.
Dahil sa wala pang ilaw ang karamihan sa mga bayan sa Leyte at Samar, nag-donate din ng anim na solar powered electric light si imbentor Dennis Mercader. Ang mga posteng ito na hindi nangangailangan ng kuryente kundi init lamang ng araw ay itatayo sa pagitan ng mga tent city na pansamantalang kanlungan ng mga evacuees.
Sa panayam kay Mercader, sinabi nitong magbibigay din siya ng 50 solar powered lamp kit na kinabibilangan ng tatlong bombilya, isang solar panel at isang battery storage na kung saan puwedeng mag-charge ng cellphone at mag-operate ng computer at electric fan.
Para may mapagliÂbangan habang nasa mga tent city, namahagi din si imbentor Leandro Mejia Yu ng 400 Challenge 21 game boards para may mapaglibangan ang mga bata at pamilÂyang biktima ng bagyo.
Samantala, si inventor/broadcaster Popoy Pagayon naman ay nag-ambag ng 300 batuta sa mga alagad ng batas at mga tanod at sa mga pagmamantine ng peace and order sa mga lugar na sinalanta ng bagyo.
- Latest